Nang Dahil sa Kita Kita πŸ˜

Kagabi, kasama ng aking mga kaibigan, kami ay nanood ng kita kita! At sa di inaasahan, ito ay aming nagustuhan. At dahil diyan, ako ay gumawa ng listahan. Listahan na maari niyong magawa hango sa pelikula o sa buhay ninuman. Pawang kathang isip lamang! Kung kayo ay natamaan, pasensya na at kayo’y nabukulan! Walang personalan! Ito ay katuwaan lamang. βœŒπŸΌπŸ˜‰

Ang unang listahan ay ang sampung masasakit na pangyayari. Katulad ng maramdaman ni Lea nang kanyang makita si Nobu na nakipaghahalikan sa iba. Pero hindi iyon iba sa kanya! Dahil iyon ay ang kaibigan niya. Sampung bagay na inisip lang niya para siya ay hindi makasakit sa kanila. πŸ˜‰

1. Isa

Isang buwan akong nagpakatanga. Naniwala na hindi tayo magkikita kasi busy ka sa trabaho pero sa iba na pala.

2. Dalawa 

Dalawa na pala kami sa buhay mo pero hindi mo man lang sinabi sa akin. Inuulit ulit ko pang sabihin sa iyo dati na kung may iba ka mang makitang mas higit pa sana ay ipaalam mo at hahayaan ko na kayong dalawa. Respeto na lang sana!

3. Tatlo

Tatlong buwan na ang nakalipas ng akoy iyong iwanan kasi mas pinili mo siya. Pero iba ang saya at liwanag ngayon na aking natatamasa. Mas nakita ko kung gaano kaganda ang mundo at gaano ako biniyayaan ng mga taong laging andyan kasama ko.

4. Apat 

Apat o higit pang ebidensya ang aking natagpuan para mapatunayan na kayong dalawa ay may relasyong itinatago sa akin. Lihim na dahan-dahang ipinapaalam sa akin kahit wala akong gawin. Binuksan ang aking mata, puso at isipan. Binigyan ng liwanag ang madilim kong pinapatunguhan.

5. Lima

Limang text messages ang iyong nataggap at aking nabasa mula sa kanya. Pero sabi mo ay na wrong send lang siya. Pwede ba yun? Pwera na lang kung bobo talaga siya! Pero ang talino niya! Magna cum laude dba?

6. Anim

Anim ng umaga ng ako ay nagchat sa kanya. Gusto ko lang malaman ang katotohanan mula mismo sa kanya. Pero doon ko nalaman na siya ay nagsisinungaling talaga. Gusto ko lang na siya ay umamin. Pero doon ko rin nalaman kung gaano siya katraydor sa akin. Tinuring ko pa naman sana siyang kaibigan dahil nga kayo ay bestfriend.

7. Pito

Pitong rason ang aking nakikita para masabi ko na wala na tayong dapat babalikan pa. Mapapatawad pa rin kita kahit ipinapasa mo sa akin lahat ng mga kasalan na iyong nagawa at hindi ka humihingi ng kapatawaran sa lahat ng masasakit mong sinabi’t ginawa. Ang kapatawaran na aking maibibigay sa iyo ay para matanggal lahat ng bigat na binibitbit ng puso ko.

8. Walo

Walong taon at mahigit pa umabot ang ating relasyon. Walang taon tayong nagmamahalan at naging masaya. Pero hindi ko alam sa walong taon na yun hindi ka pala sigurado kung ako na ba talaga. Sinabi mo pa na magsisisi ka kung sa aki’y magpapakasal ka.

9. Siyam 

Siyam na beses akong pinagbigyan ng aking mga kaibigan at pamilya sa lahat ng aking mga gusto para ako ay lumigaya. At siyam na beses din nilang ipinamulat sa aking mata ang katotohanan tungkol sa ating dalawa. Katotohanang buong puso ko ng tinanggap kaya ngayon ako’y namumuhay ng tahimik at masaya.

10. Sampu 

Sampu at sobra pa ang pagkakataon na nagpasalamat ako sa Panginoon dahil ni isang beses hindi niya ako pinabayaan. Sinamahan, inintindi at ginabayan niya ako hanggang sa akoy unti unti ng nabuo at handa ng humarap sa mundo. Naging matatag, bumangon at naging masaya ulit dahil sa Kanya at sa lahat ng taong nagmamahal sa tulad kong tanga!

At ang huling listahan ay ang mga natutunan sa pag ibig na ating nararamdaman. Mga leksyon ni Lea na kanyang nakuha nang dumating si Tonyo sa buhay niya. 😍

1. Ang trabaho ay hindi kailanman rason upang hindi siya magpakita. Ika nga, kung gusto may paraan at kung ayaw ay may dahilan. At iyan ay alibi lang niya dahil malay mo, busy pala sa iba.

2. Ang taong magtatraydor sa iyo ay yung pinagkakatiwalaan mo. Yung taong tinuring mong kaibigan at tinrato mo ng may kabutihan.

3. Ang katotohan ay gagawa ng paraan para ito ay malaman ng karamihan. Kahit gaano mo man ito itatago, lalabas at lalabas din ito. Kaya magpapakatotoo ka nalang bro!

4. Pag ikaw ay nagmahal, asahan mong ikaw ay masasaktan. Dahil kapag hindi ka nasasaktan, ang ibig sabihin lang nun ay hindi mo siya mahal. 2-in-1 package yan eh!

5. Makita ang mahal mo na may kasamang iba kahit kayo pa ay siguradong magpapalabas kung gaano ka kasama. Pero imbes gawin mo yan ay bumilang ka ng isa hanggang sampu bago gumawa ng anumang hakbang. Isipin mong mabuti kung ano ang iyong gagawin at sasabihin. Siguraduhin mong wala kang masasaktan at matatapakan para lang magfeeling better!

6. May dahilan lahat ng mga nangyayari sa buhay natin. At kung may tao man na nawala, ito ay marahil para bigyang daan ang tamang tao na darating. At ang nagsarang relasyon ay marahil magbubukas na bagong pag-iibigan.

7. Ang buhay ay maikli lamang para sayangin sa pagmukmok at pag iyak. Bigyan mo ng limitasyon ang iyong pagdamdam sa masakit mong pinagdaanan. At kapag iyan ay natapos na, bumangon ka, harapin mo ulit ang mundo at magpakasaya ka. Ang buhay ay maganda pa rin kahit wala siya.

8. Ang pagmamahal ay hindi nakadepende kung anuman ang nakikita ng iyong mga mata. Bagkus, ito ay nakabase kung ano ang nakikita ng iyong puso. Pangit man o maganda sa iyong paningin, ang mahalaga ay ika’y masaya pag magkasama kayong dalawa.

9. Gagawin mo ang lahat para sa taong iyong minamahal. Mag-eeffort ka ng bonggang bongga para siya ay lumigaya. Dahil ang makita ang taong mahal mo na masaya ay napakalaking bagay na.

10. Gumugol ka ng oras sa mga taong mahal mo. Hindi mo alam kung hanggang saan at kailan lang kayo magkakasama. Sulitin niyo lahat ng panahon na kayo ay nasa tabi ng isa’t isa. Sabihin at gawin lahat ng gusto mo para sa kanya. Bago maging huli ang lahat at ang tangi mo na lang magagawa ay ang pagsisisi pa.

Sana ay iyong nagustuhan ito, kaibigan! At tumungo na sa pinakamalapit na sinehan! Gumawa ka rin ng listahan! πŸ˜‹

15 thoughts on “Nang Dahil sa Kita Kita πŸ˜

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s